Respiratory Syncytial Virus (RSV) Vaccine
Ang respiratory syncytial virus, o RSV, ay kadalasang nagdudulot ng banayad na sintomas na parang sipon, ngunit maaari itong sanhi ng matinding sakit sa ilang tao. Ang mga batang wala pang 5 taong gulang, at partikular na ang mga sanggol na 6 na buwan pababa, ay pinakamahina sa malalang sakit kapag nagkaroon sila ng RSV. Bawat taon, libu-libong maliliit na bata ang naoospital dahil sa sakit na RSV.
Mayroong dalawang paraan para protektahan ang mga sanggol laban sa RSV:
Ang mga buntis ay maaaring makakuha ng bakuna para sa RSV na Abrysvo sa mga 32 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis sa panahon ng RSV (na magsisimula sa Setyembre 1 at tumatagal hanggang Enero 31 sa karamihan ng mga lugar ng Amerika), O
Ang mga sanggol na ipinanganak mula Setyembre 1 hanggang Marso 31 ay maaaring mabakunahan ng monoclonal antibody, nirsevimab (Beyfortus), mula sa kapanganakan hanggang sila ay 8 buwang gulang. Ang mga sanggol na ipinanganak mula Abril hanggang Agosto ay maaaring mabakunahan ng nirsevimab sa Oktubre.
Hindi nangangailangan ng alinman ang karamihan sa mga sanggol.
-
Ang Abrysvo ay isang bakuna para sa RSV na inaprubahan para sa mga buntis at matatanda. Ibinibigay ito bilang isang dosis sa 32 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis sa panahon ng RSV.
May isa pang bakuna para sa RSV na tinatawag na Arexvy. Ang bakunang ito ay hindi inaprubahan para sa mga buntis.
-
Gumagana ang bakuna sa immune system ng iyong katawan para gumawa ng mga antibody laban sa virus. Kapag ibinigay ang bakuna sa panahon ng pagbubuntis, dumadaan ang mga antibody na ginawa sa iyong katawan sa inunan at pumapasok sa daluyan ng dugo ng sanggol. Tumatagal ang prosesong ito ng humigit-kumulang 2 linggo. Sa oras na ipanganak ang iyong sanggol, magkakaroon na siya ng mga antibody na nagbibigay ng ilang proteksiyon laban sa RSV.
-
Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang bakuna ay:
Nagpapababa sa panganib ng malubhang kumplikasyon ng RSV sa mga sanggol ng 70% sa loob ng 6 na buwan matapos manganak nang 70%.
Binabawasan ang panganib ng isang sanggol na ma-ospital dahil sa RSV ng 67% sa loob ng 6 na buwan pagkatapos ng kapanganakan.
-
Ang pinakakaraniwang naiulat na mga side effect ay ang pananakit sa bahaging iniksyunan, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, at pagduduwal.
-
Ang nirsevimab (tinatawag ding Beyfortus) ay isang iniksyon na ibinibigay sa mga sanggol upang maprotektahan laban sa RSV. Direktang naghahatid ito ng mga anti-RSV na antibody sa daluyan ng dugo ng sanggol. Ibinibigay ito sa mga sanggol na wala pang 8 buwan na ipinanganak sa panahon ng RSV o papasok sa kanilang unang panahon ng RSV. Maaaring makakuha ang mga bagong silang na sanggol ang nirsevimab bago sila umalis sa ospital. Naipakitang napipigilan ng isang dosis ng nirsevimab ang malubhang sakit dulot ng RSV sa mga sanggol na hanggang 5 buwang gulang nang 80%.
-
Kasama sa maliliit na side effect ang pamumula at pamamaga sa bahaging iniksyunan at banayad na pamamantal. Wala pang naiulat na malubhang side effect.
-
Kung ikaw ay buntis noong nakaraang taon at nakatanggap ng Abrysvo, at ikaw ay buntis muli sa taong ito, inirerekomenda na huwag kang kumuha ng isa pang dosis. Sa halip, ang iyong sanggol ay dapat tumanggap ng nirsevimab.
Kung hindi mo pa natatanggap ang Abrysvo dati, maaari kang pumili sa pagitan ng pagkuha ng Abrysvo sa 32 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis sa panahon ng RSV O pagbabakuna sa iyong sanggol ng nirsevimab mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 8 buwan.
Ligtas at mabisang paraan ang bakunang ibinibigay sa panahon ng pagbubuntis at pagbabakuna sa sanggol para maiwasan ang sakit na dulot ng RSV sa mga sanggol. Matutulungan ka ng iyong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na magpasya kung aling opsyon ang pinakamainam para sa iyo at sa iyong sanggol. Narito ang paghahambing ng dalawang opsyon:
ABRYSVO (Bakuna laban sa RSV na ibinibigay sa panahon ng pagbubuntis) | NIRSEVIMAB (Beyfortus) (Pagbabakuna laban sa RSV na ibinibigay para sa mga sanggol) | |
---|---|---|
Para kanino ito? | Mga buntis na hindi nakatanggap ng Abrysvo sa nakaraang pagbubuntis Binibigay sa 32 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis sa panahon ng RSV (Setyembre 1 hanggang Enero 31) | • Mga sanggol hanggang 8 buwang papasok sa kanilang unang panahon ng RSV, AT • Mga sanggol at mga batang hanggang 8 – 19 buwan papasok sa kanilang pangalawang panahon ng RSV |
Gaano ito kabisa sa pagpigil sa malubhang RSV sa mga sanggol? | Nagpapababa sa malubhang kumplikasyon ng RSV sa mga sanggol ng 70% sa loob ng 6 na buwan ng kapanganakan. | Binabawasan ang panganib ng isang sanggol na ma-ospital dahil sa RSV ng 80% sa loob ng 5 na buwan ng kapanganakan. |
Ano ang mga side effect? | Pananakit sa bahaging iniksyunan, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagduduwal, at lagnat | Pamamantal at pananakit ng bahaging iniksyunan |
Ano ang mga benepisyo? | • Ipapanganak ang iyong sanggol na protektado laban sa RSV dahil mayroon na siya ng mga antibody. • Maaaring magbigay ang Abrysvo ng mas mahusay na proteksyon laban sa mga variant ng RSV kaysa sa nirsevimab. • Binabawasan nito ang bilang ng mga iniksyong nakukuha ng iyong sanggol. • Maaaring may patuloy na proteksyon sa pamamagitan ng pagpapasuso. | • Direktang inihahatid papunta sa daluyan ng dugo ng sanggol ang mga antibody sa pagbabakuna (sa halip na maipasa sa inunan),na maaaring magresulta sa mas malakas na proteksyon. • Ang proteksiyon mula sa pagbabakuna ay maaaring mas pangmatagalan kaysa sa Abrysvo. |
Maiikling Kaalaman
Ang RSV ay maaaring magdulot ng malubhang karamdaman sa mga sanggol, lalo na sa mga wala pang anim na buwan. Ang pagbabakuna sa panahon ng pagbubuntis ay nakakatulong na protektahan ang mga sanggol mula sa pagkakapanganak sa kanila.
Ang bakunang RSV na Abrysvo ay inirerekomenda para sa mga buntis sa 32 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis sa panahon ng RSV, na karaniwang tumatagal mula Setyembre 1 hanggang Enero 31.
Gumagana ang Abrysvo sa iyong immune system upang lumikha ng mga RSV antibody na dumadaan sa inunan, na nagbibigay sa iyong sanggol ng proteksiyon laban sa RSV pagkatapos ng pagkakapanganak sa kanila.
Binabawasan ng Abrysvo ang panganib ng malubhang kumplikasyon ng RSV ng 70% at pagka-ospital ng 67% sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng pagkakapanganak sa kanila.
Kung hindi mo matatanggap ang bakunang RSV sa panahon ng pagbubuntis, ang mga sanggol ay maaaring tumanggap ng monoclonal antibody nirsevimab, na lubos na epektibo sa pagpigil sa malubhang RSV.
Talasalitaan
Mga Antibody: Mga protinang ginawa ng immune system bilang tugon sa isang sangkap mula sa labas ng katawan, tulad ng isang virus.
Immune system: Ang mga selula at organ na nagpoprotekta sa katawan laban sa mga sangkap mula sa labas ng katawan, tulad ng mga bacteria at virus.
Inunan: Isang espesyal na organ na nabubuo sa panahon ng pagbubuntis. Pinapayagan nito ang paglipat ng mga sustansya, antibody, at oxygen sa fetus. Gumagawa din ito ng mga hormone na nagpapanatili sa pagbubuntis.
Ang dulugang ito ay suportado ng kasunduang pagtutulungan ng Society for Maternal-Fetal Medicine (SMFM) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC) CDC-RFA-DD-23-0004 Enhancing Partnerships to Address Birth Defects, Infant Disorders and Related Conditions, and the Health of Pregnant and Postpartum People. Ang mga pananaw na pinahiwatig ng mga may-akda ay hindi kailangang sumalamin sa mga opisyal na patakaran ng Department of Health and Human Services o kumakatawan sa pag-endorso ng Pamahalaan ng U.S..
In-update Oktubre 2024